Nakaka-miss
ang pagsusulat
tungkol sa mga bagay bagay na gustong gusto mo
talagang isulat.
Di yung tipong kailangan mong halikan
ang labi ng sandamakmak na tasa ng kape
para pawiiin ang antok
at kung no anong klaseng gasolina
ang makakapag paandar ng makinang naghihikahos
Parang kumakapa sa dilim ng mga salitang
lumilipad sa kalangitan
Tila sapilitang sumisisid sa karagatan
at malulunod dahil hindi alam
ang kahahantungan
Nakakamiss
Yung tipong di mo na rin kailangang ibabad
ang mga paa mo sa maligam-gam na tubig
para gisingin ang buong
diwa para sa mga makabuluhang kaisipang
hindi maintindihan
Nakaka-miss ang nakakaaliw na ingay
ng aking puso.
Nakaka-miss ang
tuloy
tuloy
na
daloy
ng
wika..
malayang gumagalaw
ang pluma
na sumasaliw sa musika
ng damdamin na nagsusumigaw
Hanggang
sa
huling
tuldok.
(March 2012 #Blogging vs Academic Paper # Research Essays vs Poetry